Wednesday, April 15, 2009

Our Lady of the Abandoned of Manila's Photo Gallery 1
















Our Lady of the Abandoned of Manila's Photo Gallery 2
















Our Lady of the Abandoned of Manila's Photo Gallery 3
















Our Lady of the Abandoned of Manila's Photo Gallery 4
















Our Lady of the Abandoned of Manila's Photo Gallery 5
















Awit sa Ina ng mga Walang Mag-ampon

Koro: Halina't dumulog sa Inang Mapag-ampon
Mata n'yang maamo sa'ti'y nakatuon
Bayang Santa Ana ay laging kupkupin
Ang sala't panagnib ilayo sa amin

O mapagpalang Maria
Ina ni Jesus at aming Ina
Kami na nagpipitagan
Sa alindog mo'y sumisinta( ulitin ang koro)

Kami ay pagpalain
Kalingain sa araw-araw
Upang sa iyo'y makapara
yaring aming buhay( ulitin ang koro )

Mga anak mong kulang-palad
May sakit at naghihirap
Sa kanila ay igawad
Saklolo mo at paglinagap (ulitin ang koro )

O Mahal na Ina ng Awa
Tinig namin ay pakinggan
At sa bugtong mong Anak
kami ay ipamagitan (ulitin ang koro )

Sa iyo ay sumasamo
kaming lahat ay patnubayan
Nang puso't damdamin namin
Sa tuwina'y manatiling banal (ulitin ang koro)

The Retablo Mayor of the Church




The saints venerated in the Retablo Mayor


On the top is St. Michael the Archangel

The two medallions are St. Peter Baptist and St. Anthony of Padua

in the middle below is the Tabernacle

From left to right : St. Peter, St. Anne, St. Paul, St. Dominic de Guzman, St. John the Baptist, Our Lady of the Abandoned the Patroness, St. John the Evangelist, St. Francis of Assisi, St. Peter Alcantara, St. Bonaventure, St. Bernardine of Siena, St. Clare of Assisi


Places in the Church of Our Lady of the Abandoned 1


The Patio of the Church where a monument of Our Lady of the Abandoned can be seen

a chapel of the Blessed Virgin Mary venerated as Our Lady of the Abandoned of the Well where in old times a well is located and it's water is said to have healing power


The Baptistry of the Church of Our Lady of the Abandoned




The door leading to the Camarin de la Virgen






The Choir Loft of the Church




Prayer to Our Lady of the Abandoned of Manila


Protect us our Lady and our Mother. Protect our families, our people, the Philippine nation and the whole world . Deliver us from wars and conflicts. Unite the strange hearts in the joy of being your children, close to you.
Grant to those who enjoy material blessing eyes of mercy and a generous heart. give to all bread, shelter and a home filled wiht love.
Grant health to the sick, patience to those who suffer illness, comfort to the sorrowful, cheerfulness to those who have lost it. Take away error from our minds and weakness from our hearts. lead sinners to conversion and a just to a higher virtue.
Grant that we may live singing your praise and with your name on our lips enter to behold you in heaven together with your son Jesus Christ, who lives and reigns with the Father and the Holy Spirit, God forever and ever. Amen.

The Queen and Mother of Sta. Ana, Manila on her throne

Madre y Reina de Sta. Ana, Manila en su trono










Places in the Church of Our Lady of the Abandoned 2

the Facade of Sta. Ana Church
Monastery of the Franciscan friars




Interior of the Church of Sta. Ana, Manila








The Camarin de la Virgen

where devotees can pray and kiss the cape of Our Lady of the Abandoned
declared as National Treasure by P.D. 374 on January 24, 2009





Mahal na Nuestra Sra. de los Desamparados, Tagapagkandili ng Sta. Ana, Manila

Lingid sa kaalaman ng maraming tao ay may isang napakagandang Simbahan na tanyag sa himala, na matatagpuan sa mga kalye ng Pedro Gil at New Panaderos sa Lungsod ng Maynila. Ito ang Simbahan ng Sta.Ana. Sa lugar na ito pinagpipitaganan, Ang Mahal na Birhen, sa matamis na taguring Nuestra Señora de los Desamparados at kanila ring pintakasi. Ang Parokya ng Nuestra Señora de los Desamparados o Ina ng mga Walang Mag-ampon sa kanyang mga minamahal na mamamayan ng lugar na iyon, ay ang kauna-unahang misyon na naitatag ng mga prayleng Pransiskano sa labas ng Intramuros noong 1578.
Ang Mahal na Birhen na pinipintakasi nang buong pag-ibig ng bayan ng Sta. Ana ay dinala buhat sa Valencia, Espanya ni Frayle Vicente Yngles lulan ng sasakyang pandagat na Sto. Cristo de Burgos noong 1717 at tinaguriang biglang awa. Sapagkat ang pagkakaloob ng kanyang awa ay hindi pinatatagal kundi dagliang binibigay.
Noong unang panahon at hanggang sa ngayon, ang Simbahan ng Sta. Ana ay dinarayo ng napakamaraming mananampalataya mula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas upang tuparin ang kanilang panata at magbigay-galang sa Mahal na Ina ng mga Walang Mag-ampon.
Sa kadahilanan na siya ay mayroong malalim na pananalig sa Ina ng mga Walang Mag-ampon. Inihandog ni Frayle Fransisco de la Cuesta, Arsobispo ng Maynila at Kapitan Heneral ng buong Kapuluan ang kanyang kristal na baton, sagisag ng kanyang katungkulan sa Ina ng mga Walang Mag-ampon noong ika-23 ng Enero 1720. Kasama ang mga matatas na pinuno ng pamahalaan at simbahan, at ng mga mamamayan ng Sta. Ana. Hanggang sa ngayon nasa mga kamay pa rin ng Ina ng mga Walang Mag-ampon ang kristal na baton.
Si Frayle Vicente Yngles ang nagtatag at nagpagawa nitong Simbahan at Kumbento sang-ayon sa natuklasang tala sa kanyang libingan na nahukay sa loob ng Santuario ng altar. Ang unang bato ay inilagay noong ika-12 ng Setyembre 1720. Siya ay namatay noong ika-8 ng Disyembre 1739. Matatagpuan ang kanyang labi sa paanan ng altar.
Isa sa mga napakaraming himala ng Ina ng mga Walang Mag-ampon, ay ang pagkakaligtas ng Simbahan at ng maraming pook sa bayan ng Sta. Ana mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito na rin ay dahil sa makainang pagkalinga at pamamagitan ng Mahal na Birhen sa bayang nabanggit.
Bilang pagkilala sa malalim na pananalig sa Ina ng mga Walang Mag-ampon at sa pagsang-ayon ng Santo Papa Kanyang Kabanalan Juan Pablo II noong ika-10 ng Disyembre 1990. Ang Ina ng mga Walang Mag-ampon ay pinutungang kanoniko ng Kanyang Kabunyian Jaime Kardinal Sin at kasama ng Kura Paroko Frayle Agustin Cuenca O.F.M. noong ika- 12 ng Mayo 1991.
Ang kapistahan ng Ina ng mga Walang Mag-ampon ay buong pagmamahal at kataimtiman na ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Mayo ng mananampalataya ng Sta. Ana, Maynila.
Hanggang sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-aaruga ng Mahal na Birhen, Nuestra Señora de los Desamparados sa kanyang minamahal na mga anak at mamamayan ng bayan ng Sta. Ana sa Maynila. Kaya sa panahon ng suliranin at panganib ang kanyang mga anak ay hindi nangangamba sa halip ay itinutuon ang kanilang tingin sa panalangin at nanalig sa kanyang pamamagitan.
AD IESUM PER MARIAM