Monday, July 27, 2009

Pasilio de los Santos 2

Santo Entiero Sepulcro

Santa Terisita dela Santa Faz

San Pedro Bautista



Nstro. Sr. Cristo Rei


pasilio de los santos

Santa Lucia



San Pascual Baylon

San Fransisco de Asisi
San Antonio de Padua
Mater Dolorosa


Ang pasilio de los santos(hallway of the saints) isang pook dalanginan kung saan matatagpuan ang mga lumang mga larawan ng mga santo at santa na pinaparangalan ng mga mananampalataya ng Sta. Ana

Sunday, May 17, 2009

Devocion de Nuestra Sra. de los Desamparados de Manila


La Cofradia de Nuestra Sra. de los Desamparados

harap na bahagi ng medalion
likod na bahagi ng medalion
Ang medalion ng mga kasapi ng Cofradia



Simula pa man noong una ang Pambansang Dambana ng Ina ng mga Walang Mag-ampon ay patuloy na dinarayo ng maraming mananampalataya sa bayan ng Sta. Ana, ano man ang gulang at antas ng lipunan. Sa kadahilanang patuloy itong dumarami napagpasiyahan mga anim na taon na ang nakaraan na magtatag ng isang samahan, ang Cofradia de Nuestra SeƱora de los Desamparados. Ang unang hangarin lamang ng nasabing samahan ay higit pang palaganapin ang devocion sa Inang Mapag-ampon.Binubuo ito ng mga mananampalataya na handang maglaan ng kanilang panahon sa paglilingkod sa mga pangangailangan ng Inang Mapag-ampon at anumang may kaugnayan sa kanya. Sa paglipas ng panahon, ito ay nag-aayos ng mga pagtatanghal, armoniya at mga prusisyon sa labas ng Santa Ana. Ito ay karagdagang pagtugon sa layunin ng samahan. Ang Cofradia ay kasama ng mga mananampalataya sa pagnonobena tuwing araw ng Sabado, at misa tuwing unang Sabado ng mga buwan ( Misa de Cofradia ). Sa ngayon, ang Cofradia ay patuloy na isinakatuparan ang mga layunin ng samahan sa ikararangal ng Mahal na Birheng Maria at ikapupuri ng Makapangyarihang Diyos.
+++AD MAIOREM DEI GLORIAM DEI+++

estandarte de Cofradia de Nuestra Sra. de los Desamparados


Wednesday, May 13, 2009

Dakilang Kapistahan ng Ina ng mga Walang Mag-ampon


Ang Kapistahan ng Inang Mapag-ampon ang lagi kung inaabangan sa tuwing buwan ng Mayo. Sa kadahilanan na simula pa lamang ng ako'y isang musmos ako'y laging dinadala ng aking lola sa tuwing kami'y pupunta sa pamilihan o kaya'y mapapadaan lamang. Kami'y humihinto sumaglit upang manalangin sa Ina ng mga Walang Mag-ampon. Siya rin ang nagmulat sa akin tungkol sa kaniyang mga di mabilang na himala. Naisalaysay din ng aking lola ang tungkol sa pagkislap ng mga palamuti nito, kung ito'y masilayan mo na kuminang humiling ka lamang ng taimtim at ito'y kanyang ipagkakaloob ng walang pasubali.
At ng kanyang Kapistahan noong ika- 12 ng Mayo taong 2009, pagkalipas ng humigit kumulang na tatlong taon simula ng huli akong dumalaw sa kanyang kapistahan. Ako'y mapalad na makadalaw muli kasama ang aking pinakamamahal na lola. Nang kami'y nasa bayan na ng Sta. Ana, di masidlan ang tuwa sa aking kalooban at pananabik sa aking puso. Kaya't kami'y kaagad na tumuloy sa kanyang dambana.
Nang kami'y na sa Simbahan , kasalukuyang idinaraos ang isang misa sa kanyang karangalan. Hindi mabilang ang mga tao sa loob ng Simbahan, kapwa ko may malalim na pinag-ugatan ang kanilang pananalig sa Inang Mapag-ampon.
Nang matapos na ang Misa ako'y pumunta naman sa Camarin de la Virgen isang pook- dalanginan sa likod ng Santuario. Marami pa rin ang mga deboto na nakahanay , na ang kanila na mang pakay ay makahalik sa balabal ng Mahal na Birhen na nakalatag sa isang unan.
Pagkalipas ng kinahapunan ako nama'y humahangos na bumalik sa Simbahan upang dumalo sa prusisyon, akin namang nasilayan ang Inang Mapag-ampon sa kanyang magarang karosa sa harap ng Santuario.
Sa pagsapit ng ika- anim ng gabi kaalinsunod ng pagbatingaw ng lumang kampana ng Simbahan, ay sinimulan na ang malayong paglalakbay ng prusisyon. Tulad ng aking nakaraang karanasan sa pagdalo ng prusisyon dagsa pa rin ang napakaraming tao. Isinama rin sa prusisyon ang mga banal na tao , na may kaugnayan sa ilang paraan sa Nuestra Sra. de los Desamparados. Naroon ang Banal na batang Hesus ng kapayapaan, ang asawa ng Mahal na Ina na si San Jose , ang may kapistahan din na si San Pancrasio, tagapagtatag ng pransiskanong kaparian na si San Fransisco ng Asisi na ang kanyang mga tagasunod ang namamahala ng Simbahan noon pa mang panahon ng Kastila, Ang ama ng Mahal na Ina na si San Joaquin at ang Ina na si Santa Ana na sa kaniya isinunod ang pangalan ng pook. Sa kahulihan, ng hanay ng prusisyon ay ang pinagpipitaganang pintakasi ng pook ang Nuestra Sra. de los Desamparados de Manila Coronada .
Kawangis ng aking mga nakaraang karanasan, ito'y naging pagkakataon upang lalong mapatibay ang aking pananampalataya sa Diyos na makapangyarihan sa tulong at kalinga ng Ina ng mga Walang Mag-ampon.
!!! VIVA LA NUESTRA SRA. DE LOS DESAMPARADOS DE MANILA CORONADA !!!

Saturday, May 9, 2009

Milagrosa Virgen, Nuestra Sra. de los Desamparados

Madre y Reina de la Poblacion de Sta. Ana en Manila

Sunday, April 19, 2009

Miraculous Virgin, Canonically Crowned Our Lady of the Abandoned of Manila

Ntra. Sra de los Desamparados de Manila, ruega por nosotros

History of Our Lady of the Abandoned of Manila

In 1717, Fr. Vicente Ingles O.F.M. brought the image of Our Lady of the Abandoned, to the Philippines to be enshrined in the Church of Sta. Ana. The first Franciscan mission established outside Intramuros. On January 23, 1720, Fr. Francisco de la Cuesta, Archbisop of Manila and Governor and Captain General of the Islands, surrendered his crystal baton, symbol of his authority, to Our Lady of the Abandoned. It is still held by the image. On September12, 1720, a new church was constructed wherein the image of Our Lady of the Abandoned is now enshrined. To this day, miracles and special favors are attributed to her unbounded kindness and mercy . The abandoned , the oppressed the mentally ill, draw from her the most inspiring and uplifting consolalation.By the virtue granted by the Holy See on December 10, 1990, the image of Our Lady of the Abandoned was canonically crowned on May 12, 1991, by his Eminence Jaime Cardinal Sin.
May 12 is the feast of Our Lady of the Abandoned. It starts with a novena/mass from May 3-11. Saturday novenas at 6:00 AM and 6:00 PM. The Parish of Our Lady of the Abandoned is located at Pedro Gil and New Panaderos Sts. , Sta. Ana, Manila.

Saturday, April 18, 2009

Himala ng Ating Ina ng mga Walang Mag-ampon

Ang suliranin niya ay tungkol sa ikalawang anak niya na may gulang na 20. Ito ang bunso ay may petisyon na mula sa kanilang ama na nasa Amerika. Ang panganay ay nasa Amerika na. Ayon sa batas doon ang mga anak na penitisyon, dapat ay nasa Amerika na bago mag 21, ngunit wala pa silang natatanggap na balita at malapit ng mga 21 ang kanyang anak.

Mayo na ay wala pa ring linaw kaya't nakipag-usap na siya ng puso sa puso sa Ina ng mga Walang Mag-ampon. Sinabi niya na tanggap niya na kung anuman ang maging resulta ng kanyang kahilingan. Kung ang kanyang mga anak ay matuloy sa Amerika , malulungkot siya pero nagtitiwala naman siya na hindi sila pababayaan ng Ina ng mga Walang Mag-ampon. Pero kung hindi sila matuloy, ibig sabihin may plano siya para sa kanilang mag-iina. Bigla, nakita niyang kumislap ang hikaw ng Ina ng mga Walang Mag-ampon. Naalala niya ang sabi ng mga matatanda na kapag nakita mong kumislap ang kanyang hikaw, humiling ka at ipagkakaloob ito. Kaya't taimtim siyang nanalangin at humiling.

Kinabukasan, May 11, 2000, dumating ang mga papeles ng kanyang anak na may malalaking titik "TO BE ACCOMPLISHED IMMEDIATELY". Kinabukasan nagtungo sila sa American Embassy upang magpa- interview sa medical exam. May 18, nakuha ang kanyang visa. May 23, duon na siya nagdiwang ng kanyang ika-21 kaarawan. Taong 2001, sumunod naman ang bunso.

Ang sagot niya sa mga nagtatanong kung hindi siya natatakot ngayong nag-iisa na siya, ay hindi dahil alam niyang may gumagabay sa kanya- ang Mahal na Ina ng mga Walang Mag-ampon

Wednesday, April 15, 2009

Our Lady of the Abandoned of Manila's Photo Gallery 1
















Our Lady of the Abandoned of Manila's Photo Gallery 2
















Our Lady of the Abandoned of Manila's Photo Gallery 3
















Our Lady of the Abandoned of Manila's Photo Gallery 4
















Our Lady of the Abandoned of Manila's Photo Gallery 5
















Awit sa Ina ng mga Walang Mag-ampon

Koro: Halina't dumulog sa Inang Mapag-ampon
Mata n'yang maamo sa'ti'y nakatuon
Bayang Santa Ana ay laging kupkupin
Ang sala't panagnib ilayo sa amin

O mapagpalang Maria
Ina ni Jesus at aming Ina
Kami na nagpipitagan
Sa alindog mo'y sumisinta( ulitin ang koro)

Kami ay pagpalain
Kalingain sa araw-araw
Upang sa iyo'y makapara
yaring aming buhay( ulitin ang koro )

Mga anak mong kulang-palad
May sakit at naghihirap
Sa kanila ay igawad
Saklolo mo at paglinagap (ulitin ang koro )

O Mahal na Ina ng Awa
Tinig namin ay pakinggan
At sa bugtong mong Anak
kami ay ipamagitan (ulitin ang koro )

Sa iyo ay sumasamo
kaming lahat ay patnubayan
Nang puso't damdamin namin
Sa tuwina'y manatiling banal (ulitin ang koro)

The Retablo Mayor of the Church




The saints venerated in the Retablo Mayor


On the top is St. Michael the Archangel

The two medallions are St. Peter Baptist and St. Anthony of Padua

in the middle below is the Tabernacle

From left to right : St. Peter, St. Anne, St. Paul, St. Dominic de Guzman, St. John the Baptist, Our Lady of the Abandoned the Patroness, St. John the Evangelist, St. Francis of Assisi, St. Peter Alcantara, St. Bonaventure, St. Bernardine of Siena, St. Clare of Assisi


Places in the Church of Our Lady of the Abandoned 1


The Patio of the Church where a monument of Our Lady of the Abandoned can be seen

a chapel of the Blessed Virgin Mary venerated as Our Lady of the Abandoned of the Well where in old times a well is located and it's water is said to have healing power


The Baptistry of the Church of Our Lady of the Abandoned




The door leading to the Camarin de la Virgen






The Choir Loft of the Church




Prayer to Our Lady of the Abandoned of Manila


Protect us our Lady and our Mother. Protect our families, our people, the Philippine nation and the whole world . Deliver us from wars and conflicts. Unite the strange hearts in the joy of being your children, close to you.
Grant to those who enjoy material blessing eyes of mercy and a generous heart. give to all bread, shelter and a home filled wiht love.
Grant health to the sick, patience to those who suffer illness, comfort to the sorrowful, cheerfulness to those who have lost it. Take away error from our minds and weakness from our hearts. lead sinners to conversion and a just to a higher virtue.
Grant that we may live singing your praise and with your name on our lips enter to behold you in heaven together with your son Jesus Christ, who lives and reigns with the Father and the Holy Spirit, God forever and ever. Amen.

The Queen and Mother of Sta. Ana, Manila on her throne

Madre y Reina de Sta. Ana, Manila en su trono










Places in the Church of Our Lady of the Abandoned 2

the Facade of Sta. Ana Church
Monastery of the Franciscan friars




Interior of the Church of Sta. Ana, Manila








The Camarin de la Virgen

where devotees can pray and kiss the cape of Our Lady of the Abandoned
declared as National Treasure by P.D. 374 on January 24, 2009